Tungkol sa aming Mga Mapa
Ang mga static at interactive na mapa sa feed ng Strava at sa page ng mga detalye ng aktibidad ay inihahatid ng Mapbox, kung saan ang data para sa mga kalsada, lugar, parke, punto ng interes, at trail ay mula sa OpenStreetMap.
Nagbibigay ang Strava ng dalawang mapa para sa pagtingin ng iyong mga aktibidad sa website ng Strava: Standard at Satellite. Ang satellite imagery ay mula sa DigitalGlobe, NASA, at Mapbox.
Ang mga napiling thumbnail ng mapa sa website ng Strava at sa Strava iOS at mga Android app ay gumagamit ng data mula sa ©OpenStreetMap at lisensyado sa ilalim ng ODbL. Ang Strava ay nakatuon sa aktibong pag-aambag sa OpenStreetMap. Tingnan ang Mga Detalye ng Copyright ng ODbL.
Feedback sa Mapa
Ang Strava ay gumagamit ng OpenStreetMap, isang open-source na proyekto na namamahagi ng heograpikal na data para sa buong mundo, kasama ng sarili naming heat/popularity at iba pang natatanging data, para gumawa ng visual na karanasan para sa mga mapa at para makatulong sa paggawa ng mga desisyon kaugnay ng ruta at mga punto ng interes na ipinapakita sa mapa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, tingnan ang https://wiki.openstreetmap.org/wiki/Strava. Libre ang mag-ambag sa OSM, ibig sabihin, puwede kang tumulong na mag-ambag sa mas mahusay na geo data sa Strava at makapagbigay ng mas may alam, mas ligtas, at mas kasiya-siyang karanasan kaugnay ng ruta para sa iyong mga kapwa atleta!
Paano ako mag-e-edit?
- Kung wala ka pang account, gumawa ng libreng account sa OpenStreetMap.
-
Mag-browse sa lugar na gusto mo (at awtorisado ka) na i-edit sa pamamagitan ng paggamit sa search bar o pag-pan sa mapa. Halimbawa, narito ang Golden Gate Bridge sa San Francisco:
- Pindutin ang button na I-edit sa kaliwang bahagi sa itaas (ang iD editor ang pinakasimple at puwede itong gawin nang direkta sa iyong browser)
-
Makikita mo na ngayon ang isang view ng mga naki-click na feature. Ang mga feature ng OSM na pinakamahalaga sa Strava ay tinatawag na “mga way” at "mga feature". Ito ang mga dapat mong i-edit!
-
Puwedeng isipin ang mga way bilang mga bahagi ng kalsada o trail na puwede nating gawan ng mga ruta. Piliin ang way na gusto mong i-edit, at makakakita ka ng ilang nae-edit na property:
-
Ang mga feature ay mga punto ng interes, tulad ng mga pampublikong palikuran, paradahan, o mga cafe kung saan puwede kang huminto sandali. Mag-edit o magdagdag ng punto para makatulong sa Mga Punto ng Interes sa Strava. Puwede kang magdagdag ng mga detalye para mabigyan ng karagdagang impormasyon ang iba pang atleta tungkol sa Punto ng Interes.
-
Puwedeng isipin ang mga way bilang mga bahagi ng kalsada o trail na puwede nating gawan ng mga ruta. Piliin ang way na gusto mong i-edit, at makakakita ka ng ilang nae-edit na property:
- I-preview, at pagkatapos ay i-save ang mga binago mo.
Mga Partikular na Mae-edit na Property
May ilang nauugnay na property ang mga way na ito na puwede mo nang i-edit. Kasama sa ilan sa mga karaniwang property ang:
- Access: Puwede mong markahan ang mga kalsada bilang bahagi ng pribadong ari-arian o bukas (o sarado) lang para sa paglalakad o trapiko ng bisikleta.
- Mga Bike Lane
- Mga Limitasyon sa Bilis
- Uri ng Surface
Gaano kabilis ko makikita ang mga binago ko sa Strava?
Nagsusumikap kaming magdala ng mga bagong update mula sa OSM sa tamang oras habang tinitiyak pa rin ang pagiging patas, tama, at kumpleto ng data.
Nakikipagtulungan kami sa isang kumpanya na tinatawag na Mapbox para maibigay ang karamihan sa mga aktwal na mapang nakikita ng mga atleta, kabilang ang mga ginagamit para iguhit at ipakita ang Mga Ruta. Puwede kang magbasa pa tungkol sa kung ano ang inilalagay sa mga mapang iyon dito. Tulad ng Strava, gumagamit ang Mapbox ng OSM, bagama't ang rate ng pagpasok ng mga bagong pagbabago sa OSM ay hindi palaging nagtutugma sa dalawa. Ibig sabihin, puwedeng bahagyang naiiba ang makikita mo sa mga mapa (mula sa Mapbox) kumpara sa aktwal na iginuguhit kapag sinusubukan mong gumawa ng Ruta sa loob ng Strava, lalo na para sa mga pinakabagong pagbabago sa OSM.
Umaasa ang OSM sa maraming contributor, hindi lang sa iyo. Bukod dito, ang OSM at Mapbox ay ilan lang sa mga pinagkukunan ng data na isinasama ng Strava. Dahil dito, puwedeng hindi eksaktong makita sa Strava ang mga pagbabagong ginawa mo gaya ng inaasahan mo. Halimbawa, kung mamarkahan mo ang isang kalsada bilang sarado para sa trapiko ng bisikleta, puwedeng maisama pa rin ang kalsadang iyon sa mga iminumungkahing ruta ng pagbibisikleta kung ipinapakita ng iba pang pinagkukunan ng data na bukas ang kalsada para sa mga bisikleta.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.